Teknikal Bokasyonal na pagsulat
Tula ng Isang Mag-aaral
Ako, isang mag-aaral na nangangarap
Hangad ay maayos na kinabukasan
Para sa hinaharap ay 'di maghirap
Nang ako ay walang pagsisihan bukas
Sa paaralan ako ay nag-aaral
Bagong kaalaman aking natutunan
Araw-araw ngang nagsisikap ng lubos
Sa mga pagsusulat ay' di sumusuko
Buhay ko'y wala pang kasiguraduhan
Kaya nga ngayon ay pinagsisikapan
Sa Diyos, ako'y humihingi ng gabay
Para sa aking mahabang paglalakbay
Ang aking Ama't Ina, salamat sa lahat
Utang na loob ko aking buhay
'Di man kasing talino ni Jose Rizal
Sisikaping makasugkit ng pangarap
Mga ka mag-aral' wag ng matumpik tumpik
Pag-aaral muna asikasuhin
Nang ating mga magulang hindi malungkot
Upang mga pangarap ay ating makamit
At para sa aming mabubuting guro,
Salamat sa matiyagang pagtuturo;
Para sa mag-aaral na katulad ko
Hangad ko ay ang kaginhawaan ninyo.
napakagaling
ReplyDeleteNakakarelate talaga sa totoong buhay, ipag patuloy mo ang mga gawa mo👍
ReplyDeletesalamat po
DeleteGanda nman ng tula na yan
ReplyDeleteKeep it up! Nice work.
ReplyDeletetnx pearl!
Deletenapaka gandang tula para sa mag aaral❤️
ReplyDelete