Teknikal Bokasyonal na pagsulat Tula ng Isang Mag-aaral Ako, isang mag-aaral na nangangarap Hangad ay maayos na kinabukasan Para sa hinaharap ay 'di maghirap Nang ako ay walang pagsisihan bukas Sa paaralan ako ay nag-aaral Bagong kaalaman aking natutunan Araw-araw ngang nagsisikap ng lubos Sa mga pagsusulat ay' di sumusuko Buhay ko'y wala pang kasiguraduhan Kaya nga ngayon ay pinagsisikapan Sa Diyos, ako'y humihingi ng gabay Para sa aking mahabang paglalakbay Ang aking Ama't Ina, salamat sa lahat Utang na loob ko aking buhay 'Di man kasing talino ni Jose Rizal Sisikaping makasugkit ng pangarap Mga ka mag-aral' wag ng matumpik tumpik Pag-aaral muna asikasuhin Nang ating mga magulang hindi malungkot Upang mga pangarap ay ating makamit At para sa aming mabubuting guro, Salamat sa matiyagang pagtuturo; Para sa mag-aaral na katulad ko Hangad ko ay ang kaginhawaan ninyo.
Search This Blog
All of My Life